Erik, Ai Ai bastusan sa concert; Ogie takot sa laswaan

AI AI DELAS ALAS ERIK SANTOS AT OGIE ALCASID

AI AI DELAS ALAS ERIK SANTOS AT OGIE ALCASID

NAGKABUHUL-BUHOL ang trapik sa paligid ng Araneta Center, Cubao, Q.C. noong Martes, Valentine’s Day dahil parehong may concert sa Araneta Coliseum at KIA Theater bukod pa sa walang makuhang parking space sa paligid.

Soldout ang concert ni Vice Ganda na “Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta” at ganu’n din ang “#Hugot Playlist” nina Ogie Alcasid, Erik Santos at Ai Ai delas Alas.

Napansin namin na mula A hanggang class E, kasama pa ang mga millennials ang nanood sa concert ni Vice samantalang puro oldies naman ang audience nina Ogie, Erik at Ai Ai.

Anyway, na-miss namin mag-show ang nag-iisang Comedy Concert Queen kaya tawa kami nang tawa sa kanya lalo na sa laglagan portion nilang tatlo. Halos lahat din ng tao sa KIA Theater ay humahagalpak ng tawa kay Ms. A lalo na pag matataas na kanta dahil kitang-kita na ang litid niya sa leeg at sentido, lalo na sa duet nila ni Erik (Total Eclipse of the Heart).

Say ni Ai Ai, “Napansin ko ha, bakit lahat ng mahihirap sa akin, Erik? Nakalagay ikaw dapat kakanta, bakit ako? Ang tagal ko nang hindi nagmumura, ha!”

Aliw din ang hirit nina Ogie kay Ms. A na, “Papal awardee ka, pero ganyan ang suot mo?” Kasi naman nakatangga ang komedyana at kung anu-ano ang pinagsasabi na kalaswaan na bentang-benta naman sa manonood pati mga matatanda ay tawa nang tawa na akala namin ay mababastusan sa kanya.

Gumanti naman si Ai Ai kay Erik na kaya raw malalaki ang biceps niya ay dahil sa ginagawa nitong pagsasariling sikap na sinakyan naman ng Prince Of Pop, “Oo nga, eh. Lalo na itong kanan ko kasi gamit na gamit, ganyan talaga pag walang dyowa, sariling sikap.”

Namumukod tanging si Ogie lang ang hindi humihirit ng kalaswaan dahil hindi puwede, Born Again ang mister ni Regine Velasquez kaya maski na anong kantiyaw sa kanya ni Ai Ai ay hindi siya nadala, maliban sa sinabi ng huli na, “Amoy zonrox naman talaga ‘yung sa inyo!” Na sinagot ng isa sa hurado ng Your Face Sounds Familiar Kids ng, “Amoy mangosteen naman, o kaya Bonox (TV ad niya).”

Anyway, magaganda ang line of songs sa “#Hugot Playlist” at pantay-pantay ang exposure ng tatlo.

Read more...