Ginebra tinabla serye sa 2-2 | Bandera

Ginebra tinabla serye sa 2-2

Dennis Christian Hilanga |February 15,2017
facebook
share this

Ginebra tinabla serye sa 2-2

Dennis Christian Hilanga - February 15, 2017 - 11:08 PM

jervy

Photo courtesy: PBA Images

NAGPAKITANG GILAS si Jervy Cruz  sa oras na kinakailangan upang buhatin ang Ginebra tungo sa 93-86 pagtibag sa Star Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum at itabla ang kanilang 2017 PBA semifinals series sa 2-2.

Nagtala si Cruz ng season-high 21 puntos kabilang na ang isang three-point play sa huling 20.2 segundo ng laban upang tuluyang biguin ang pakay ng Hotshots na kunin ang 3-1 bentahe.

Humugot din ng sapat na lakas ang Gin Kings mula kay Japeth Aguilar na ibinuhos ang 12 sa 18 ginawang puntos sa fourth period bukod pa sa kinamadang 10 rebounds.

Nagdagdag naman si Sol Mercado ng siyam na puntos at tatlong assists at mayroong apat na puntos, 14 rebounds, apat na assists at dalawang steal si Scottie Thompson.

Nagawa pang maibaba ng Star ang lamang ng Ginebra sa lima eksaktong isang minuto ang natitira sa orasan mula sa tres ni Allein Maliksi ngunit hindi na binigyang puwang ng Kings na makaungos pa ang karibal.

Tumapos si Maliksi ng team-high 18 puntos para sa Hotshots habang may pinagsamang 19 puntos sina Jio Jalalon at Rafi Reavis.

Nalimitahan si Paul Lee sa siyam na puntos mula sa malamyang 4/14 field goal shooting matapos ang mainit na paglalaro sa game 1 at 2 kung saan siya nag-average ng 17.5 puntos.

Gaganapin ang game 5 ng Manila Clasico sa Biyernes sa Mall of Asia Arena.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending