BALIK sa dating gawi ang mga drug pusher at user sa Quezon City ilang araw makaraang suspendihin ni Pangulong Duterte ang “Oplan Tokhang ng Philippine National Police, ayon sa hepe ng pulisya ng siyudad.
Kahapon ay sinabi Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District (QCPD), na nakakatanggap sila ng ulat na harap-harapan na uling nagbebenta ng droga ang ilang mga tulak.
“Nagbabalikan sila sa paggamit at pagbenta ng droga kasi alam nila we are prevented from engaging in planned police operations,” ani Eleazar.
Nagdesisyon si Duterte na ihinto ang gera kontra droga ng pamahalaan makaraang patayin umano ng mga pulis ang South Korean businessman na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng PNP headquarters sa Camp Crame noong Oktubre.
Inutusan din ni Duterte si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na linisin muna ang hanay ng kapulisan at tanggalin ang mga scalawags.
Nakiusap naman si Eleazar na tanggalin na ang suspesyon. “Actually, setback ito. We are hoping that it will be lifted very soon so that makabalik tayo sa operations,” dagdag niya.
Tulak, adik nagpipiyesta sa Tokhang suspension
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...