Showbiz couples kanya-kanyang paandar sa V-day; Heart nag-birthday sa hospital

vic pauleen ai ai gerald

PAANDAR ang ilang lovers kahapon, Valentine’s Day! Ang social media ang daan nila upang ipahayag ang damdamin at pagbati sa Araw ng mga Puso.

Picture kuha sa Zimbabwe kasama ang asawang si Vic Sotto ang ipinost ni Pauleen Luna-Sotto sa Instagram account niya.

Ginamit naman ng GMA Network ang photo nina Alden Richards at Maine Mendoza na pinagsamang hugis puso ang mga kamay.

Hinikayat nila ang mga tao na mag-pose ng picture kasama ang mahal sa buhay doing the “Kapuso heart pose.”

Naglapat naman ang mga labi ng mag-partner na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati habang nasa beach with the caption: “Always know that I’ll have your back in any adventure life throws at us and I will kiss you in the most exotic and beautiful destinations on (emoticon na world), here’s to an awesome year ahead. I love you.”

Si Ai Ai delas Alas naman, picture na kasama ang tatlong anak at hiwalay na photo kasama ang boyfriend na si Gerald Sibayan ang dinispley sa IG account niya.

Ibinalandra naman ng partner ni James Yap na si Michela Cazolla ang seksing katawan sa isang beach na pinuntahan nila. Sa post ng basketball player, ipinagmalaki niyang, “You are my Valentine and I am blessed for that, happy Valentine’s Day Mic habang kasama ang anak nilang si MJ.”

Japan naman ang destinasyon ng lovers na sina Mark Herras at Wynwin Marquez. Nasa Japan din si Lovi Poe kasama ang rumored foreigner boyfriend kung saan nag-celebrate rin ng kanyang birthday ang Kapuso Premiere Actress.

Birthday din kahapon ni Heart Evangelista. Bago nagtapos ang 31st year niya sa mundo, mga batang may congenital heart defect sa Philippine General Hospital ang nakasama niya. Sa IG post ng aktres nanawagan ito sa mga nais tumulong sa mga bata, “Today is fixing ‘broken hearts’. For every bottle of my #lovemariescentsxwhiff ‘linger’ you were able to help 6-8 children with congenital heart defect.”

Si Kris naman, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby para bumiyahe at makasama niya sa birthday. Bago umalis, nakiramay muna siya kasama ang kanyang Ate Balsy at anak na si Bimby sa burol ng ama ni Mayor Herbert Bautista last Monday.

Si Harlene Bautista ang humarap sa kanila na lumabas sa IG post sa Information Office ng Q.C..

Read more...