Sigaw ng bashers nina Luis at Jessy: Ang peke ng relasyon! Maghihiwalay din kayo!

jessy mendiola at luis manzano

KAHAPON ang Valentine’s Day pero nag-post na agad si Luis Manzano sa kanyang Instagram account ng collage of romantic photos with Jessy Mendiola.

Ang daming pose ng magdyowa at marami ang kinilig. May shot na halos magdikit na ang lips ng dalawa, merong isang shot na hinalikan ni Luis si Jessy sa itaas ng pisngi, merong nakadila si Jessy at may nakanguso ang dalawa.

Obviously, they’re having fun. But not the bashers who posted comments as if walang karapatang lumigaya sina Jessy at Luis.

“Haaaaay naku nag effort pa kau mag collage ng mga pictures nyu…Eeh buburahin nyu din yan soon pag naghiwalay na kau!!! Mga papansin… qng anu ano na lang tlga noh? Para mapag usapan. Buhay showbiz!!!”

“Eh kasi baka makalimutan na siya ng fans kaya pino post pa nila yung walang kuwentang sweetness nila kunwari masabi lang na sweet sila parang si angel locsin lang dati after nun naging mapakla na.”

“C jessy lng yong laging nakanguso gustong gustong halikan. Hahaha.”

“Ang peyk peyk ng relasyon. Uy maghihiwalay din kayo parang erich-daniel lang!”

‘Yan ang mga hanash ng bashers.

“People nowadays are so judgemental. Grow up people,” say ng defender ng dalawa.

Read more...