Isumbong sa DOLE hotline 1349

BUKAS ang Department of Labor and Enployment (DOLE) sa reklamo ng mga manggagawa sa kanilang employer.

Partikular na inaaksyunan ng DOLE ang hinaing ng mga manggagawa laban sa kanilang employer na hindi nagbibigay ng tamang pasahod at marami pang iba. Sinasagot din nito ang isyu tungkol sa karagdagang sahod tulad ng night shift differential at overtime pay para sa trabahong ginampanan na higit sa regular na oras ng pagtatrabaho.

Obligasyon ng mga employer na ibigay ang karagdagang bayad sa kanilang manggagawa kung ito ay nagtrabaho nang higit sa walong oras para sila ay makaiwas sa anumang parusa.

Ang overtime pay ay tumutukoy sa karagdagang bayad para sa trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras kada araw, samantalang ang night shift differential ay karagdagang bayad na 10 porsiyento ng regular na sahod ng empleyado kada oras sa trabahong ginampanan sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Ang Information and Publication Service ng DOLE ang namamahala sa Hotline 1349.

Ito ang sumasagot sa mga katanungan ng kliyente tungkol sa paggawa at empleyo pati ang mga oportunidad sa trabaho, lokal man o sa ibang bansa.
Labor
Communications
Office, DOLE
Intramuros,
Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...