MAY nabasa kaming post ng isang friend sa Facebook tungkol sa Valentine’s Day. Sey niya, kung reregalugan daw siya ng mister niya, mas gusto niya ng cash kesa sa flowers or chocolates.
Siyempre marami ang nag-comment. Ang sabi ng isa, sapat na sa kanyang hawakan ang kamay at paglaruan ang buhok ng kanyang boyfriend dahil di siya sigurado kung makakasama niya ito ngayong araw. May isa namang nagkomento na mas humahaba raw ang hair niya kung flowers at chocolates ang gift sa kanya. Meron namang gusto na all-of-the-above: bulaklak, tsokolate at salapi!
Kung ikaw ang tatanungin, anong gusto mong matanggap ngayong Araw ng mga Puso sa iyong minamahal?
Flower
Cliche pero nakakakilig pa rin everytime. Kahit ano pang kulay basta bulaklak at kahit nga gumamelang naharbat sa kapitbahay, ta-tumbling ka pa rin. Wag lang bulaklak ng patay.
Chocolates
Pwera na lang kung may diabetes ka, super-appreciated ang tsokolate. Ibig sabihin din nito, kahit tumaba ka pa sa kalalamon ng sweets, he will always love you.
Personalized Cards
It’s cheap and easy to make. Mas heartfelt kasi nga personalized ang hugot. Huwag lang kumopya sa mga kaek-ekan na mga drama sa wordporn.
Heart balloons
Pwede ito kung 16 years old ka kasi nga ang cute, di ba? Pero kung 24 ka na? Lobo talaga? Not so sure.
Heart-shaped pillows
Cute na kung cute pero parang ang hirap yatang humanap ng pillowcase para rito. Anyway, chika na rin kasi maaalala mo siya kapag kayakap mo sa gabi. Not a nice thought though pag nag-break kayo.
Candies
Talaga? Who still gives candies for Valentine’s? Bet nila siguro masira ang ngipin mo. O baka naman talagang sweet lang sila. Awwwww.
Cellphone or tablet
Kung keri ng budget, why not ? Di naman masama magbigay ng expensive gift sa iyong minamahal. Wag mo na lang i-post sa FB ang french-kissing nyo pag na-get niya ang phone, gaya ng ginawa ng hitad na si Chokoleit.
Cakes
Yum! Sabi ng mga plus-sized na girls na hindi kumpleto ang meal kung walang desserts. Good luck sa blood sugar, beshies!
Your pictures
Ipa-print na ang mga pics ninyong mag-jowa na inamag na sa USB at memory bank dahil ilang buwan na lang pwede nang ipang-throwback Thursday ang mga iyan. Siya, siya simple and tagos sa puso rin daw.
Mixed CDs
Wow 90s lang peg! Kung uso pa sa inyo ang theme song, why not? Di kami judgemental kaya wala kaming pake sa kakornihan nyo. At kung nagtitipid ka, OK na rin ito.
Handkerchief
It’s the thought that counts, no? Kikiligin ka na rin pag nakita mong nakaburda ang name mo sa panyo. So useful, lalo na pag nag-break kayo.
Perfume
Maraming nagkalat nito na mura sa FB kaya di na kailangang magbayad ng mahal sa mall. Make sure lang na hindi fake para maghapon ang bango ng ka-forever mo.
Wine
Swak na swak lalo na kung pareho kayong tumatagay. Dagdagan na rin kamo niya ng pulutan para all-set na sa inuman. Para sa tagumpay!
Dinner
Ipagluto siya ng favorite food niya. Pero yung madali lang. Wag yung mga kare-kare at lengua estofada na will take forever to cook. Pero kung e-effort ka dahil love na love mo siya, samahan mo na rin ng lechon at crispy pata para pak na pak talaga.