Ginebra umiwas sa 0-3 pagkakalubog, Star pinatid sa Game 3

sol-gins-star

Photo from PBA Images

PINATID ng Barangay Ginebra San Miguel ang karibal na Star Hotshots, 73-62, upang umiwas sa 0-3 pagkakalubog sa Game 3 ng kanilang best-of-seven 2017 PBA Philippine Cup semifinals series Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Mula sa dikdikang sagupaan sa fourth quarter nagpakawala ang Ginebra ng 14-0 run may anim na minuto pang nalalabi sa laro kung saan susi ang dalawang tres na isinalpak ni Sol Mercado para sa tagumpay ng Gin Kings.
Tumapos si Mercado ng game high 16 puntos at six assists habang nagdagdag si Japeth Aguilar ng 15 puntos at 13 rebounds. Ibinuhos naman ni Mark Caguioa ang ginawang walong puntos sa second half kung saan kinailangan ng Ginebra na pigilan ang Star.
Tiyak na kakapit ang Kings sa momentum na ito sa muling pagharap sa Hotshots sa Game 4, Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum kung saan tatangkain ng tropa ni Coach Tim Cone na itabla ang serye sa 2-2.

Read more...