Ang ka-FB na ba ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Gem ng Alta Tierra Village, Jaro, Iloilo City
Problema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon ang kaso madalas po kaming magkatampuhan. Ang totoo sa loob ng isang taon naming relasyon ay away-bati ang status naming kaya hindi ko tuloy malaman kung compatible po ba talaga kami. Kasabay nito nagkataon namang may nakilala po akong lalaki sa Facebook at naging magkaibigan kami. Nag-cha-chat din kami ng regular at inaabot pa ng madaling araw at parang naramdaman kong nagkakagusto na rin ako sa kanya.
2. Itatanong ko lang po kung sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko, ang boyfriend ko o ang ka-FB ko? April 13, 1991 ang birthday ng boyfriend ko, habang February 14, 1992 naman ang ka-FB ko at June 5, 1993 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Gem ng Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino man sa dalawang lalaking naging bahagi ng buhay mo sa ngayon ang isinilang sa zodiac sign na Aquarius, – siya na ang makakatuluyan mo at makakasama habang buhay. Ibig sabihin si February 14, 1992 na nga ang posibleng mapangasawa mo.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing higit mong ka-compatible si February 14, dahil ang birth date na 14 ay sadyang tugma at compatible sa birth date mong 5, kung ikukumpara sa birth date na 4 ng kasalukuyan mong boyfriend. At sa sandaling nagkatuluyan ang birth date na 14 ng ka-FB mo at birth date mong 5, sa panahong kayo ay mag-asawa na, tiyak na kayo ay yayaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
Luscher Color Test:
Halimbawang naging kayo na nga ng ka-friendster mo, ugaliin at lagi kayong gumamit ng kulay na asul, gray, puti at silver. Sapagkat ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapatatag at magpapatingkad ng inyong pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Gem ayon sa iyong kapalaran ang lalaking mapapangasawa ay makikilala mo sa mga pangyayari o sitwasyon na may kaugnayan sa modernong kumunikasyon, tulad nga ng usong-uso ngayong Facebbok, na nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius, siya ang tunay na ka-tugma at ka-compatible mo na nakatakdang magpaligaya sa iyo at magbibigay ng isang maunlad at masayang pamilya habang buhay.

Read more...