AlDub buong araw ‘magka-date’ sa V-day

maine mendoza at alden richards
FULLY-LOADED sa trabaho ngayong Valentine’s Day ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza. At least, magkasama pa rin silang dalawa habang nagtatrabaho, huh!
Sisimulan nina Alden at Maine ang Heart’s Day sa isang special episode nila sa Eat Bulaga. Kaabang-abang ang magaganap sa kanilang dalawa base sa TV plug.
Sa gabi, haharap naman sila sa media para sa presscon ng una nilang primetime series na Destined To
Be Yours. Sa oras ding ito mapapanood ang full trailer ng DTBY sa 24 Oras.
Finally, nagkaroon na ng katuparan ang hiling/pangarap ng AlDub Nation na mapanood na sila sa isang serye.

Read more...