Regine na-bad trip sa basher na nambastos at nanlait sa panganay na anak

regine velasquez at leila alcasid
NA-BAD trip ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang mabasa ang maaanghang na post sa social media ng isa niyang follower laban sa panganay na anak ni Ogie Alcasid na si Leila.
Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng nagpakilalang fan ni Regine kay Leila habang tinawag naman nitong uto-uto ang Songbird. Bakit daw pumapayag siya na magmukhang alalay o PA (personal assistant) ng anak ni Ogie sa una nitong asawa.
Sey pa ng netizen, sana raw ay tigilan na ni Regine ang pagiging sobrang bait dahil inaabuso na raw siya ng kanyang asawa at anak nito. Madalas daw na sinasamahan ng Songbird ang anak nina Ogie at Michelle Van Eimeren sa mga lakad nito mula nang dumating sa Pilipinas.
Nasa bansa ngayon si Leila para makasama ang ama at para mag-aral. Nagwo-workshop din ngayon ang dalaga para sa pagpasok din nito sa showbiz.
“Leche ka @leilaalcasid. Manang mana ka sa tatay mo. Susko mga pabigat pabibo at mapagsamantala. Konting hiya din pag may time,” ang unang tweet ng netizen na may handle name na @spiglao.
Dagdag nito, “If you want to be a fulltime PA so be it. Wala naman kaming magagawa kung gusto mo yun.” Marami pang pang-ookray ang ipinost ng basher na talagang nagpainit sa ulo ni Regine.
Masamang-masama ang loob ng TV host-singer dahil dito, at hiyang-hiya rin siya kay Leila kaya nag-sorry agad siya sa dalaga at sinabihan ng “I love you.”
“Parang ayaw ko na mag tweeter. Sama lang ng loob nakukuha ko rito. But still God bless pa rin sa inyo,” sabi pa ni Regine na plano na ring gawing private ang kanyang social media accounts.

 

Read more...