Vice: Diyos ko, wala yatang lalake na hahalik sa akin in public! 

vice ganda
PARA kay Vice Ganda, walang ginawang krimen si Chokoleit sa pakikipaglaplapan nito sa isang lalaki sa bar na nai-video pa at naging viral sa internet.
Matanda na raw ang gay comedian at hindi na minor kaya wala itong dapat ihingi ng tawad sa publiko dahil nakakaiskandalo raw ang ginawa nito.
“Basta ako, masaya ako for Chocoleit. Unang-una, hindi na siya minor. Alam niya kung ano ang gusto niyang gawin. Alam niya ang mga consequences ng mga bagay na ginagawa niya at ginawa niya yun nang masaya siy,” pagtatanggol ni Vice sa kaibigan.
“Sabi ko nga, ‘Whoever you are, whatever you do, kung anuman ang itsura mo, there will always be that one person in this world that will find you attractive.’ Kahit ano pang sabihin natin sa kanya, may isang tao na naniniwala na attractive at handang halikan siya. Yun ang totoong tagumpay.
“Ako nga, Diyos ko, wala yatang lalake na hahalik sa akin in public, ‘no? Pero kay Chokoleit may humalik sa kanya sa publiko at bini-video. Masaya siya dahil na kay Chokoleit ang totoong korona!” sabi pa ni Vice sa isang panayam.

Read more...