Ang ka-FB na ba ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Gem  ng Alta Tierra Village, Jaro, Iloilo City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon ang kaso madalas po kaming magkatampuhan. Ang totoo sa loob ng isang taon naming relasyon ay away-bati ang status naming kaya hindi ko tuloy malaman kung compatible po ba talaga kami. Kasabay nito nagkataon namang may nakilala po akong lalaki sa Facebook at naging magkaibigan kami. Nag-cha-chat din kami ng regular at inaabot pa ng madaling araw at parang naramdaman kong nagkakagusto na rin ako sa kanya. Itatanong ko lang po kung sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko, ang boyfriend ko o ang ka-FB ko? April 13, 1991 ang birthday ng boyfriend ko, habang February 14, 1992 naman ang ka-FB ko at June 5, 1993 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Gem ng Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Palmistry;
Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1 arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Subalit mapapansing higit na makapal at mahaba ang ikalawa (arrow 2.) kung ikukumpara sa nauna (arrow 1). Ibig sabihin hindi mo nga makakatuluyan ang una mong boyfriend sa halip ang paparating pa lamang na relasyon ang posibleng mapangasawa mo at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Four of Spades, Queen of Clubs at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi magtatagal ang relasyon ninyo ng kasalukuyan mong boyfriend, kung saan, sa taon ding ito ng 2017 magkaka-break kayo, upang ang ka-FB mo naman ang siyang magiging bagong ka-relasyon mo.
Itutuloy….

Read more...