Inilalagay umano ng pamunuan ng Metro Rail Transit sa panganib ang buhay ng mga pasahero nito sa mabagal na pag-aksyon sa mga problema.
Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles nakatanggap siya ng ulat na 12 bogey frames ng 19 bagon ng tren ang ginagamit pa rin kahit na ito ay mayroon ng mga biyak at wala umanong ginagawa rito si OIC General Manager Deo Leo Manalo.
Patuloy pa rin umano ang paggamit ng mga motor ng tren kahit na lumagpas na ito sa maximum safety wear limit.
Ang mga gulong ay maaari na rin umanong madiskaril dahil hindi ito napalitan sa oras.
“The MRT management and its maintenance service provider Busan Universal Rail Inc., are endangering the safety of our commuters because of their negligence. Our commuters are already suffering so much because of the jam-packed coaches, defective aircons and constant breakdowns but what I really fear is the possibility of a disastrous accident that could kill or maim our unwary MRT commuters because of these rolling coffins,” ani Nograles.
Kung hindi umano magagawa ng MRT ang trabaho nito ay makabubuti kung maglalagay na lamang ito ng karatula upang mababalaan ang mga mananakay.
Kumuha rin umano ng piyesa mula sa mga sirang bagon sa pagkumpuni sa mga nagagamit pang bagon.
“Instead of buying new parts to ensure the reliability of their work, Busan decided to just cannibalize old parts from cars 03,08,21,27,31,70 and 73. These cars have been stripped of parts which were then used to replace the defective parts of the cars that are in service. This means that Busan entered into maintenance contract with MRT with no money spend on new spare parts,” ani Nograles.
Pasahero ng MRT delikado
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...