2-0 semifinals lead target ng San Miguel Beermen

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena)
7 p.m. San Miguel Beer vs TNT KaTropa

MAKUHA ang ikalawang panalo ang hangad ng two-time defending champion San Miguel Beermen sa pagharap sa TNT KaTropa Texters sa Game Two ng kanilang 2017 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nakauna ang Beermen sa kanilang semis series matapos tambakan ang Tropang Texters sa Game One, 111-98, noong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinaulanan ng San Miguel Beer ng 3-pointers ang TNT para magwagi sa Game One. Naghulog ang Beermen ng 16 mula sa 26 3-point attempts kung saan bumitaw si Marcio Lassiter ng apat na tres habang sina Alex Cabagnot at Arwind Santos ay nag-ambag ng tig-tatlong tres.

Maliban kina Lassiter, Cabagnot at Santos, sasandalan din muli ng San Miguel Beer sina June Mar Fajardo at Gabby Espinas para makuha ang 2-0 bentahe sa kanilang semis series.

Sasandigan naman ng Tropang Texters sina Jason Castro, Kelly Williams, Mo Tautuaa, Matt Rosser-Ganuelas at Ranidel de Ocampo para maitabla ang kanilang serye sa tig-isang panalo.

Read more...