Dagdag sweldo

MAGANDANG balita. May Valentine’s gift para sa manggagawa sa Kabisayaan.

May naghihintay na dagdag sweldo para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas.

Makakatanggap ng mula P10.00 hanggang P25.00 simula sa Lunes ang mga manggagawa sa Silangang kabisayaan.
Makaraan ang ginawang pag-aaral, konsultasyon at public hearing, nabatid ang pangangailangan para sa minimum wage increase sa rehiyon.
Sa ilalim ng bagong wage order, ang mga manggagawa sa non- agricultural sector ay makatatanggap ng basic pay na P278 at dagdag na P7 na COLA sa kabuuang P285 kada araw
Ang dagdag na P10 hanggang P25 ay depende sa sectoral o industrial classifications.
Dagdag sa basic daily wage: P25 para sa non-agriculture workers, P23 para sugar mills, P15 para cottage/handicraft; P10 para retail/service na nag empleyo ng 10 workers at mas mababa sa P15.00 na dagdag para sa retail/service na nag-eempleyo ng 11 hanggang 30 workers, P10 for agriculture non-sugar workers, at P10 para sa agriculture, sugar at farm workers.
Gayunman, ang lahat ng manggagawa na nakakatanggap ng basic wage rates ay patuloy na makakatanggap ng P7 COLA sa ilalim ng wage order no. 17
Nagpalabas ang Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa Region 8 ng Wage Order No. 19, na nagkakaloob ng dagdag na basic wage sa private sector workers sa Eastern Visayas Region noong Disyembre 19, 2016 na sinang-ayunan naman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Enero.
Ang Regional Wage Board in Eastern Visayas ay isang tripartite body na binubuo ng anim na miyembro , tatlong representatives mula sa government, dalawa mula workers sector at isa mula sa employers sector.

Chairman Elias Cayanon
Regional Tripartite Wage Productivity Board
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...