LEVEL-UP para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagho-host ng isang procedural crime documentay drama sa GMA 7 tulad ng Case Solved.
Para kay Dingdong, isang uri ng public service ang gagawin nila sa nasabing programa para makatulong sa crime prevention sa bansa.
“Case Solved features sensational and controversial real-life cases mula sa non-aggressive hanggang sa mga violent na kaso. Lahat ng ipapalabas namin ay hango sa totoong mga kaso mula sa Philippines’ Supreme Court Reports Annotated (SCRA) handled by the National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), International Criminal Police Organization (Interpol), Department of Justice (DOJ), Supreme Court and Bureau of Corrections,” paliwanag ng mister ni Marian Rivera.
“Case Solved presents solved cases, mga kasong nabigyan na ng resolusyon ng Supreme Court, that will empower and educate our viewers in predicting the probability of a crime before it occurs. More than presenting how the crime is committed, it further explains how the crime is solved,” pahayag pa ng lead star ng GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.
Nang tanungin kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang nasabing programa, “I like the concept of the show kasi it’s always good to have concrete stories as an example. Also, it shows a positive ending wherein pinapakita ‘yung resolution ng problema.
“Yung combination of all these things inspires me. With this, gusto ko itong i-share sa mga manonood. I want them to see a story of triumph dahil gusto nating makakita ng problemang naaayos,” tugon ni Dingdong.
Using the elements of interview, dramatization, actual videos at mga tunay na litrato, ihahatid ng Case Solved kung paano ang ginagawang proseso ng mga otoridad para maresolbahan ang isang kaso hanggang sa paglilitis ng mga taong nasasakdal sa krimen.
Sa pilot episode ng programa, tampok ang kaso ng panggagahasa at pagpatay sa isang walang kamuwang-muwang na bata.
Sabi nga ni Dingdong, “Hanggang ngayon, after kong gawin ang episode na ‘yun, hindi ko pa rin ma-explain kung bakit may mga ganu’ng klaseng tao, paano niya nagawa ang isang karumal-dumal na krimen. Bilang magulang, nakakadurog talaga ng puso. Kaya para sa akin, walang lugar ang mga ganu’ng klase ng tao sa mundo natin.”
Mapapanood ang Case Solved tuwing Sabado simula sa Feb. 18, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samanatala, natanong din ang Kapuso Primetime King kung pabor ba siya sa pagbabalik ng death penalty sa bansa, tugon ng mister ni Marian, “Mahalaga sa akin ang buhay ng tao, pero siyempre, ‘yung version ng inihahain nila ay hindi ko pa napag-aaralan.
“But with regards to our problem on drugs, lahat naman tayo agree na nakakasira ‘yan ng buhay ng tao. Walang lugar ang drugs sa bansa natin. Hindi lang naman ‘yan nagsisimula o nagtatapos…kung may tokhang man o wala, it’s really a combination of multiple efforts, hindi lang dapat ang gobyerno ang tumututok diyan, kundi lahat tayo,” paliwanag ni Dingdong.
Speaking of Dingdong Dantes, sa pagsisimula ng bago niyang docu-drama sa GMA, nalalapit naman ang pagtatapos ng top-rating GMA teleserye nilang na Alyas Robin Hood.
Marami na ang nagtatanong kung sino ba talaga kina Venus (Andrea Torres) at Sarri (Megan Young) ang pipiliin ni Pepe (Dingdong) sa ending ng serye.
Aminado si Dingdong na kahit siya ay nahihirapang pumili sa dalawang nagseseksihang karakter nina Megan at Andrea.
“Ang hirap!” natatawang sagot ng aktor. “Basta abangan n’yo na lang ang last few weeks ng Alyas Robin Hood, marami pang mangyayari kina Pepe, Sarri at Venus, pati na rin sa iba pang mahahalagang karakter.
“Lalo na yung finale week namin, huwag na huwag silang aabsent dahil itinodo na namin doon ang lahat!” paniniguro pa ni Dingdong sa mga Kapuso viewers.
Napapanood pa rin ang Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.