Baste bruskung-brusko, tigasin sa mga babae pero butata sa tapang ni Digong

baste duterte

NAKAKAALIW ang ginagawang pagkastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bunsong anak na si Baste. On national television talaga ‘yun, walang pretensiyon, parang empleyado rin ng gobyerno si Baste na inuupakan ng kanyang ama.

Ang pagmamalasakit sa kanyang apo ang prayoridad ng pangulo, hindi na raw kasi nakikita ni Baste ang kanyang anak ay hindi pa sinusustentuhan, kasi nga ay nakababad lang siya palagi sa tabi ni Ellen Adarna.

Panay-panay ang paliwanag ni Baste na tapos na ang ugnayan nila ng sexy star, pero parang hindi ‘yun nakararating sa kanyang tatay, kahit pa siya na mismo ang nagsabi sa pangulo na wala na sila ni Ellen nu’ng Pasko pa.

Bantay-sarado si Baste, wala siyang maitatago, sinampolan na siya ng pampublikong pangaral ng kanyang ama at siguradong mauulit pa rin ‘yun.

Pakiusap ni Baste ay tantanan na sana siya ng pangulo, wala raw naman siyang ginagawang ilegal, kulang na lang na sabihin ni Baste na krimen ba kasi ang magmahal?

Cool lang naman si Ellen Adarna, siguro nga ay napapangiti lang nang palihim ang sexy star, baka ang iniisip nito ngayon ay bruskung-brusko ang kanyang ex pero parang bata naman palang binabantayan ng kanyang tatay.

Read more...