Kris umaming mahirap nang makabalik sa bakuran ng ABS

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

KUNG may mga nangnenega kay Kris Aquino na nagsasabing hinding-hindi na siya makakabawi sa kanyang minalas na career, meron din namang naniniwala na makakabawi pa rin ang TV host-actress.

Ilang followers ni Kris ang nag-post ng kanilang mensahe at nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapanood sa TV. Miss na miss na raw kasi nila ang Queen of All Media na nagho-host ng sarili niyang programa.

Umaasa raw ang mga ito na this year ay muling eeksena at magpapasabog ang TV host as mundo ng telebisyon. May isa pa ngang Instagram follower si Kris ang nagsabi na bakit hindi na lang siya bumalik sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 20 years.

Ayon sa nasabing netizen, “Sana po mabigyan po kayo ng chance to talk, lunch or dinner with the Abs Cbn bosses. mahal ka pa rin ng Abs Cbn.

“Panghawakan mo yung sinabi ni mam charo santos & gabby lopez. she will always be a Kapamilya,'” sey ng loyal fan ni Kris.
Isang maikli ngunit makahulugang sagot ang ipinost ng TV host-actress bilang sagot sa netizen, “How I wish life was really that simple!”

Kamakailan, nakachika ng ilang entertainment press ang manager ni Kris na si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment and Triple A Talent Management na siya ring humahawak sa career nina Maine Mendoza at Marian Rivera, at sinabi nga nito na wala pang TV show na naka-line up para sa TV host.

“Right now, hindi mo kasi malaman kung paano siya ibabalik. Paano kaya kung ibabalik ko siya? Kasi, a lot of people are really waiting for her. Pero, baka mamaya, nag-gamble ka, binalik mo siya, the same thing kung ano ang ginagawa niya before, mahirap naman. Medyo ano dapat, iba naman,” ani Mr. T.

Nang matanong kung ano sa tingin niya ang bagay na show kay Kris ngayon? “Ang hirap nga, eh. Kasi very successful na siya as TV host. Ang galing niya sa field na ‘yan.”

Isang suggestion sa producer-talent manager ay bigyan daw si Kris ng dating game at ang pilot episode ay dedicated sa kanya – siya raw ang ihahanap ng boyfriend?

Tugon ni Mr. T, “Controversy agad, ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero, I’ll be very honest, nakakatakot kasi baka magkamali. If we fail, tatama sa amin, saka sa kanya. Ang bigat naman nu’n. Kaya we have to really think kung ano ang maganda for her.”

Read more...