Dingdong sa Case Solved: Malaking hakbang ito pagpasok sa mas seryosong public service!

dingdong-dantes

SALITAN sa trabaho ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Patapos na ang Alyas Robin Hood ni Dong kaya si Yan Yan naman ang gagawa ng primetime series niya sa GMA.

Eh, itong bagong crime drama-docu ni Dingdong na Case Solved, once a week lang ang taping kaya siya muna ang mag-aalaga sa anak nilang si Zia.

“Usapan namin ‘yon. Ayaw naming walang magulang na maiiwan kay Zia. So ngayong patapos na kami, last three weeks na kami, siya naman ang papalit,” sabi ni Dong after ng grand presscon ng Case Solved.

Gustong masaksihan ni Dong ang development ng anak kaya lagi siyang nandoon sa tabi ng bagets.

“Makikita mo ang lahat ng kakulitan. Paano siya mag-mature,” saad pa niya sa anak.

Dating Youth Commissioner si Dingdong sa panahon ni President Noynoy Aquino, ano ang masasabi niya sa giyera laban sa droga ng bagong presidente?

“Siguro lahat naman tayo agree na walang lugar ang droga rito dahil nakakasira siya ng buhay. Bukod sa efforts ng gobyerno, malaking bahagi ang partisipasyon ng mamamayan, di ba? So hindi lang siya natatapos kung may tokhang man, may tatapusin man ang operations o anuman, patuloy lang ‘yan ng pagiging involved natin.

“Especially as parent, nag-uumpisa sa tahanan ‘yan eh. kung paano natin palalakihin ang mga kabataan. That’s why mahalagang ma-equip natin sila sa tamang impormasyon. Ma-equip natin sila ng tamang ginagawa para ma-prevent ang anumang gustong gawin nila in the future, di ba?

“So it’s really a combination of multiple efforts. Hindi lang ng gobyerno kungdi pati na rin nating mamamayan. Of course lalo na as parents,” paliwanag ni Dong.

So, agree siya sa nagaganap na patayan ng taong sangkot sa droga?

“Ako I have ultimate respect for humanity. Para sa akin, kailangan nating gawin ang parte natin. Parte natin imbes na magturo tayo ng daliri. At the end of the day, respect for humanity and do our part,” rason ng Primetime King.

Wala man siyang direktang sagot kung papasok sa public service, idinahilan niyang sa pamamagitan ng Case Solved ay makakatulong pa rin siya sa mga tao.

“Isa itong malaking hakbang para sa akin sa pagpasok sa mas malaki at seryosong hardcore ng line of public service.
“Why? Because of the nature of the show and siguro the fact na tinanggap ko ito, ibig sabihin, mas open na akong gumawa ng ganitong bagay.

“Iba na kasi ang circumstances ngayon. Magulang na ako. Na-expose na rin ako sa maraming bagay. Gusto lang nating maging bahagi kung anuman ang maitutulong natin sa ating viewers saka sa ating mamamayan,’ seryosong tugon ni Dingdong.

Read more...