Regine sa posibilidad na maging beki si Nate: Ok lang, hindi naman ‘yan isang sakit!

 

REGINE VELASQUEZ AT NATE

REGINE VELASQUEZ AT NATE

OKEY lang kay Regine Velasquez kung maging beki ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate paglaki. Maiintindihan daw ng Asia’s Songbird kung magiging gay din ang bagets dahil mula noon hanggang ngayon ay malapit siya sa mga bading.

Sa presscon kahapon ng bago niyang musical comedy show sa GMA 7 na Full House Tonight kung saan karamihan sa makakasama niya ay mga gay stand-up comedians ay natanong siya kung hindi ba siya natatakot na baka maging bading din ang anak nila ni Ogie.

“Bata pa naman ‘yung bagets. Tsaka hindi naman ako baklang-bakla sa bahay namin. Pero one time nga raw kinuwento ng teacher niya, tinanong siya sa school kung nasaan ako, kaung kumusta na ang nanay niya, ang sagot daw ni Nate, ‘Hay naku, my mom is barlog (gay lingo na borlog na ang ibig sabihin ay tulog). Barlog talaga ang sabi. ‘She’s tired, she came from a taping.’

Hirit pa ni Regine, “Hindi ko alam kung sa akin niya ‘yung narinig, actually baka sa tatay pa niya ‘yun narinig, e. Si Ogie, naririnig n’yo naman ‘yun kung magsalita rin ng gay lingo. Pero para sa akin, walang problema, hindi naman ‘yan isang sakit and wala tayong magagawa if that happens. For as long as he knows what is right and what is wrong, may respeto sa mga tao, sa amin, he knows Jesus Christ, good.”

Aminado si Regine na malapit talaga siya sa mga bading dahil alam niya na karamihan sa mga supporters niya ay mula sa LGBT, at talagang masaya raw siya kapag mga beki ang kasama niya. Kaya sa bago niyang show sa GMA, ito ngang Full House Tonight, parang hindi sila nagtatrabaho dahil palaging ang gaan at ang saya ng kanilang taping,

“I’m very excited and thankful that GMA has given me this kind of show kasi medyo na-miss ko na ‘yung variety show. At least, dito kumakanta ulit ako, at hindi lang ‘yun, nagko-comedy rin ako,” chika ni Regine.

Maliban sa iba’t ibang musical performances, mapapanood rin sa FHT ang mga nakakatuwang stand-up comedy, improvisation, parodies at sketches na gagawin sa loob at labas ng studio.

Makakasama ng Songbird sa Full House Tonight na mapapanood every Saturday starting Feb. 18 (after Magpakailanman) sina Solenn Heussaff, Joross Gamboa, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Sarah Pagcaliwagan, Philip Lazaro, Kim Idol, Nar Cabico, Terry Gian at Tammy Brown.

Read more...