Aga dedma sa pa-welcome party para kay Dayanara?

aga muhlach at dayanara torres

WALA talagang tatalo sa Sunday musical show ng ABS-CBN na ASAP kung kalidad ng mga performer ang pag-uusapan. Walang tapon mula sa mga dancer hanggang sa mga singer dahil lahat ay parang nakikipag-kumpetensya sa isa’t isa.

Hanep ang opening salvo last Sunday kung kailan nga muling winelcam si 1993 Miss Universe Dayanara Torres, ang isa sa mga original hosts ng ASAP na 22 years nang namamayagpag sa ere.

Exciting panoorin on stage sina Kim Chiu, Maja Salvador, Gerald Anderson, Sam Milby, Enchong Dee at Enrique Gil doing their strutts sa kakaibang dance interpretation.

Hanep din ang mala-concert na production numbers nina Sarah Geronimo at Toni Gonzaga hanggang sa mga biriterang divas na sina Angeline Quinto, Jona, Morisette at iba pa.

Hay naku, nakalimutan na nga namin ang mag-lunch dahil nakatutok talaga kami sa very special welcome kay Yari na hanep pa rin ang ganda at husay sa dance floor!

Although short lang ang pagbibigay ng birthday emote sa paborito nating si Martin Nievera, hindi naman nawala ang essence nito lalo pa’t siya pa rin ang ina-acknowledge na siyang utak sa titulo ng show na ASAP.

q q q

Nakiusap ang aming source mula sa ASAP na huwag na nga raw silang tanungin kung totoo ang tsikang supposedly ay inimbitahan din sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach, at iba pang naging bahagi ng show some 22 years back for Dayanara’s comeback.

“May awkward feeling pa rin kasi sa ibang party,” sey ng kausap namin. Siyempre sa mga millennials ay never nilang basta mauunawaan ang sitwasyon lalo pa’t napakatagal na ngang panahon ang nagdaan.

But with Dayanara’s interviews at pagsagot sa naging relasyon nila ni Aga noon, madali naman sigurong mag-wan-plus-wan ang mga nakakaintindi na meron ngang “nasaktan” at “nanakit” sa noo’y inakala ng marami na match-made in heaven.

Sino ngayon ang maysabing basta-basta na lang nakaka-move on ang mga tao? Pero kung totoong umiwas na lang si Aga sa intriga kaya hindi na siya nagpakita kay Yari, feeling namin he made the right decision. Respeto na lang din kay Charlene.

Sey nga ni Kuya Boy Abunda, “For some, it may even take a lifetime to finally move on.”
Awwwww! Kaka-relate kayo?

Read more...