SIGURADO kaming maraming naka-relate sa pre-Valentine episode ng longest-drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos last Saturday night sa ABS-CBN.
Isang nakakakilig at nakaka-inspire kasing kwento ng “young love” ang inihatid ng MMK na pagbidahan nina Belle Mariano at Zaijian Jaranila.
Binata na talaga ang dating child star na si Zaijian na unang sumikat bilang si Santino sa top-rating primetime serye na May Bukas Pa. After seven years, may kalabtim na nga si Zaijian, huh!
Kwento ng dalawang kabataang maagang umibig ngunit lumaking magkaiba na ang hangarin sa buhay ang ginampanan nina Belle bilang si Sandra at Zaijian na gumanap sa role ni Mart.
Ayon sa ilang nakapanood ng kuwento nina Mart at Sandra, lalo na ang mga tulad naming young at heart, napakasarap daw balikan ng mga panahong kasing-age lang nila sina Zaijian at Belle na sa murang edad ay naka-experience na agad kung paano ang umibig.
Kuwento naman ng ilang viewers, nakakakilig daw ang young loveteam nina Zaijian at Belle, sana raw ay gumawa rin ang ABS-CBN ng teleserye na tatalakay sa young love, sweet love na pagbibidahan ng dalawa.
Nakasama rin ng dalawang bagets sa nasabing MMK episode sina Yayo Aguila, Ricardo Cepeda, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Alexa Macanan, Nathaniel Britt at Raquel Montessa. Ito ay idinirek ni Raz dela Torre sa panunulat ni Benson Logronio.
Ang MMK ay pinamumunuan pa rin ng Star Creatives COO na si Malou Santos.