MR. Super Nice Guy talaga ang aktor na si Sam Milby. Pinasaya niya nang todo-todo ang veteran writer na si Ate Nene Riego sa finale presscon ng top-rating afternoon drama series na Doble Kara kasama ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes.
Agad na nilapitan ni Sam si Ate Nene na nakaupo couple of tables away kung saan nakaupo sa harapan ang mga bida ng Doble Kara nu’ng sinabihan siya ng host ng event na si Eric John Salut na matagal na siyang gustong ma-meet ng veteran writer.
Isa lang ‘yan sa maraming pagkakataon na naging saksi kami sa pagiging charming and generous ni Papa Sam. Walang masamang tinapay kay Papa Sam kaya patuloy siyang bini-bless ni Lord.
Gaya na lang ng Doble Kara na tumagal nang mahigit isang taon at consistent sa pagiging top-rating sa ABS-CBN. At habang ginagawa ni Sam ang Doble Kara ay nakagawa pa siya ng ilang mga pelikula last year.
Maganda na ang takbo ng career, bongga pa ang lovelife ni Papa Sam, huh! Natatandaan pa namin ‘yung interview kay Sam noong tanggapin niya ang Doble Kara. Reluctant pa raw siya noon na gawin ang serye not because he will be paired off kay Julia but because of his schedule.
May isa pa kasing serye na dapat gagawin si Sam noon, ang Written In Our Stars with Piolo Pascual and Toni Gonzaga. Mabuti na lang at natigil kaya hindi nangarag si Sam sa paglalagare ng taping sa dalawang serye.
And now na matatapos na ang Doble Kaya this week, pwede na ulit siyang gumawa ng bagong serye or maybe gawin na ulit nila ang Written In Our Stars.
As we said, matatapos na sa Biyernes ang higit sa isang taong pag-ere ng Doble Kara, nananatili pa ring nag-iisang Daytime Drama Queen sa telebisyon si Julia Montes. Kaya thankful siya mga tumutok at hindi bumitaw sa kuwento ng serye.
Sa katunayan, nagtala ang serye noong nakaraang taon ng all-time high national TV rating na 21.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Ilang serye na rin ang sumubok tumapat dito pero nanaig pa rin ang suporta ng Kapamilya viewers para sa palabas.
Sa nalalapit nitong pagtatapos, mas marami pang dapat abangan ang viewers, lalo na kung ano ang magiging katapusan ng kuwento para sa kambal na karakter ni Julia sina Kara at Sara.
Kasama rin sa cast ng serye sina Mylene Dizon, Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman, Rayver Cruz, Mickey Ferriols, Alicia Alonzo, Anjo Damiles, John Lapuz, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Polo Ravales at Patricia Javier.
Tutukan ang huling apat na araw ng nangungunang Kapamilya afternoon series na Doble Kara pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.