Asahan nang magiging mahigpit ang seguridad sa Boracay Island, Aklan, sa Valentine’s Day dahil sa kasabay na mga aktibidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon sa pulisya.
Magpapakalat ng 1,300 pulis, at partikular na tututukan ng mga ito ang jetty port, billeting areas, at mga kalsada, sabi ni SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng Aklan provincial police.
Di pa kasama dito ang mga ikakalat na sundalo at mga “force multiplier” gaya ng Boracay Action Group at mga volunteer.
Gaganapin sa isla ang pulong ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights mula Pebrero 13 hanggang 15, at retreat ng ASEAN Ministerial Meeting (AMM) mula Peb. 19 hanggang 21.
Sinimulan noon pang Enero ang papapadala ng karagdagang pulis sa isla para matiyak ang seguridad, ayon kay Gregas.
MOST READ
LATEST STORIES