MAJA kay GERALD: Sabi ko, laban lang nang laban! kaya natin ‘yan!


KITANG-KITA sa itsura at pagsasalita ni Maja Salvador na grabe ang pagmamahal nila ni Gerald Anderson sa isa’t isa.

Pagkatapos ibandera ng Kapamilya actor ang pag-ibig niya kay Maja, ito naman ang humarap sa publiko para ipagsigawan kung gaano niya kamahal si Gerald.

Sa Bandila nu’ng isang gabi, inamin ni Maja na magkarelasyon na sila ni Gerald. Tinanong siya ni Boy Abunda kung handa siyang ipaglaban ang relasyon nila ng aktor, ang tugon ni Maja, “He is worth fighting for.”

Handa rin ba siyang i-give up lahat para sa kanyang boyfriend? “Hindi porke’t nagmamahal ka, may kailangan kang i-give up.

Wala kang dapat i-give up. Fight lang nang fight.”

Read more...