Sulat mula kay James ng Sabang, Naic, Cavite
Problema:
1. Tatlong taon na po ako nakaka-gradueyt ng nursing pero hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Nag-aaplay ako sa abroad pero hindi naman ako matanggap-tanggap. Magulo po ang isip ko sa ngayon, kasi nahihiya na rin ako sa mga magulang ko hingi ako ng hingi ng pera pero wala naman akong naiintrega. Ang isa pang gumugulo sa isip ko, hanggang ngayon wala pa rin akong girlfriend, gayong may itsura din naman ako.
2. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanenteng career at girlfriend upang makapag-handa na sa pag-aasawa? Pero paano mangyayari ito kung wala naman akong magandang trabaho. Sana maituro nyo sa akin ang formula ng tagumpay upang umunlad at lumigaya na ako habang buhay lalo na sa career at love life?
Umaasa,
James Naic, Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing kulang ka lang sa focus sa ngayon. Hindi mo lang nabibigyan ng konsentrasyon at time table ang i-yong layunin. Ganito ang dapat unang layunin: Maghanap ng babaing liligawan na mahaba ang buhok at sexy. Kapag nagkaroon ka ng ganyang GF siya ang magi-ging “lucky charm” mo na magdadala ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 19 ay nagsasabing likas kang suwerte lalo na pagtuntong mo ng edad na 25, 27, at 28, kung saan ito ay magsisimula ngayong taong ito hanggang sa 2019. Sa panahong iyon kahit ano ang gawin mo basta’t may girlfriend kang “mahaba ang buhok at sexy” tulad ng nasabi na, siya ang magbibigay ng maraming suwerte, sa career, sa salapi at maging sa pag-ibig.
Huling payo at paalala:
James ayon sa iyong kapalaran, walang ibang pinaka-magandang pormula ng tagumpay sa mga katulad mong isinilang sa sign na Scorpio kundi ang nabanggit ng sikreto sa itaas: “Mag-girlfriend ka ng isang babaing mahaba ang buhok at sexy” at makikita mo, matapos na mangyari at magawa mo ‘yan, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran sa buhay na ito ay isa-isa at kusa ng mapapasa iyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.