NARANASAN na ni Ogie Alcasid na laswain ni Ai Ai delas Alas sa ginawa nilang shows noon. That time, alam na nilang magpinsan sila.
Tanda pa nga ni Ogie na ang unang show nila ay nangyari sa Vienna, Austria kung saan hindi naging maganda ang karanasan nila.
Nagkaroon na rin silang dalawa ng Valentine show but this time, sa “#HugotPlaylist”, first time nilang makakasama sina Erik Santos at Solenn Heussaff. Sikat ang salitang hugot ngayon kaya ‘yun ang ginawa nilang title.
“Alam mo ‘yung Spotify? Pag nag-Spotify ka, merong Hugot Playlist. So nang nag-iisip kami ng title,
‘Hugot Playlist’ kaya? ‘Uy, maganda ‘yon. So siyempre pag Valentine, panghugot,” rason ni Ogie nang ipainterbyu sila ni Ai Ai sa Ryu Ramen.
Eh, marami silang makakasabay na Valentine shows, huh! Ano ang magiging bentahe ng kanilang concert?
“Well, kanya-kanyang market ‘yan. Iba ang upuan sa Kia Theater, di ba? Mas komportable nang konti. Mas intimate so puwede kang kumawala pa. Para kang nag-perform sa malaking teatro.
“Paano naging kakaiba? Kami ni Erik, balladeer,” sagot niya.
“Ako naman, ballet dancer,” sagot ng katabi ni Ogie na si Ai Ai.
Buong-puso ni Ai ay ibibigay daw niya sa Valentine show nila.
“Of course. Pati costumes pasabog,” sabi ng Comedy Queen.
“Naku, ang laki ng budget namin sa costumes. Siguro P2.4 million pa lang sa gowns niya!” singit ni Ogie.
“Hindi ko naramdaman, huh!” natatawang sey ni Ai Ai. “Hindi mo pa kasi nakikita. Nang sabihin sa akin, ‘Sige, go mo na ‘yan!’” sabi naman ni Ogie na isa sa producers ng concert.
“Wala namang nagsukat! Parang feeling ko ‘yan,” katwiran ni Ai Ai.
Hindi naman sila nagkakaila-ngan kasi nga magkaiba sila ng estilo ng pagpapatawa?
“Diyos ko, sa edad naming ito?” tugon ni Ai Ai.
Basta si Ai Ai, lalaban sa kantahan kina Ogie at Erik at pagdating sa paseksihan, handa siyang makipag-showdown kay Solenn, huh!
Sa Feb. 14 ang “#HugotPlaylist” sa Kia Theater.
q q q
Tungkol naman sa kanyang anak na si Leila na nasa Pilipinas nga ngayon, nagwo-workshop na pala ang dalaga bilang preparasyon sa pagsabak niya sa showbiz.
Nag-aaral na rin ngayon ng Tagalog si Leila and very soon ay papasok na rin sa school.
“Nagulat ako na mahilig pala siya mag-artista. Ang laging sinasabi niya, ‘Gusto ko maging lawyer, ganito, ganyan.’ Kumakanta-kanta siya siyempre sa school, gano’n. But, siyempre iba sa Australia, di ba? Hindi naman sila artista doon. Pero nagulat ako in a good way. Sabi nga ng mommy niya (Michelle Van Eimeren), ‘time mo na ‘yan magkaroon kayo ng magandang relationship.’
“Of course, nagpupunta ako du’n. Pero iba ‘yung tatay ka talaga na nandoon,” pahayag pa ni Ogie.
Naikuwento rin ng Ultimate Songwriter ang kanyang pagiging istrikto bilang ama, “Tina-try kong hindi maging strict pero lumalabas pa rin. Natatawa naman siya sa akin. Siguro tinatiming-an lang niya ako. Kasi meron din naman siyang mga friends dito na lalaki, di ba?
“Tapos sasabihin, ‘Can we have dinner?’ ‘Dinner? Bakit kayo magdidinner? Friend mo ‘yan na matagal? Dito kayo magdinner sa bahay. Maghahanda ako.’ Tapos hindi na darating ‘yung lalaki,” natatawang kuwento pa ng singer-comedian.