Horoscope, February 05, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa pinansiyal, sa alahas na silver madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.

Aries – (Marso 21-April 19) — May malaking halaga ng salapi na darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera, upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ang ginagawang pagsisikap sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Isip ang magbibigay sa iyo ng suwerte sa taong ito ng 2017. Basta’t pinag isipan mong mabuti ang anumang iyong ginagawa malaking halaga ng salapi ang kusang darating. Sa pag-ibig, imbis na puso pairalin ang rason upang habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat maging emosyonal. Tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Dahil ang Leo ay under ng elementong fire o init at init din ang element ngayong taong ito ng 2017, tiyak ang magaganap, sa panahong ito ng iyong buhay maraming suwerte ang darating sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi sasarap ang romansahan. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang hindi mo na kayo magkikita, upang lalo nyong ma miss ang isat-isa. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kinikita at kikitain pa. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti ka ng umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagigng makulit ng kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, dagdag gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong bawal. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Unti-unti mo ng matatakasan ang mabibigat na mga problema. Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo ng intindihin yong mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaabutan ka rin niya. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Read more...