Sulat mula kay James ng Sabang, Naic, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Tatlong taon na po ako nakaka-gradueyt ng nursing pero hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Nag-aaplay ako sa abroad pero hindi naman ako matanggap-tanggap. Magulo po ang isip ko sa ngayon, kasi nahihiya na rin ako sa mga magulang ko hingi ako ng hingi ng pera pero wala naman akong naiintrega. Ang isa pang gumugulo sa isip ko, hanggang ngayon wala pa rin akong girlfriend, gayong may itsura din naman ako. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanenteng career at girlfriend upang makapag-handa na sa pag-aasawa? Pero paano mangyayari ito kung wala naman akong magandang trabaho. Sana maituro nyo sa akin ang formula ng tagumpay upang umunlad at lumigaya na ako habang buhay lalo na sa career at love life?
Umaasa,
James Naic, Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay, pumatong at naki-isang Guhit ng Babae (1-1 arrow 1.) sa Career Line (arrow 2.). Ito ay malinaw na tanda na “babae ang magiging suwerte mo sa buhay” na makakatulong sa iyo upang tuloy-tuloy na magningning at gumanda pa ng gumanda ang iyong career pati na rin ang aspetong pananalapi.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Five of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagsimula ang pag-unlad, tuloy-tuloy na ang bonggang-bonggang tagumpay at kaligayahan sa larangan ng career, salapi at pag-ibig.
Itutuloy…