Direk Cathy Molina naglabas ng sama ng loob sa harap ng press

cathy garcia molina
SAKTUNG-SAKTO sa box-office director na si Cathy Garcia Molina ang bago niyang pelikula na “My Ex And Whys” na pinagbibidahan ng isa sa pinakasikat na loveteam ngayon, sina Enrique Gil at Liza Soberano.

“Well, sa rami naman ng dumaan sa buhay ko, marami talagang mga exes na nanloko. At ilang beses doon, e, pinagpalit ka or tsumuktsak ng ibang babae. Kahit sa last boyfriend ko may ganoon din, e,” natatawang bungad ni Direk Cathy sa amin.

Sa umpisa ay mapagbigay siya, napapatawad pa niya kasi laging nangangako na magbabago. But after a while, ganu’n na naman ang gagawin.

“Nakakasawa rin,” buntong-hininga niya. “Dumating na ako, sabi ko talaga wala pa akong kilalang lalaki na hindi nagloko including my exes, my father, my brother my friends.

“Ngayon pa isang kabigan ako, si Carmi Raymundo, ang sabi niya sa akin, ‘So, Direk, bakit ka pa nagmamahal kung alam mong masasaktan ka rin lang ulit?’ Sabi ko, ‘Ah, oo nga no? Siguro kaya ako nagmamahal ulit there is hope on me that I will find that one who will not cheat on me, who will not hurt me,” sabi pa ni direk.

Agad-agad din siyang umamin sa estado ng kanyang lovelife ngayon, “Meron ako ngayon, and I think I have found him! Charos!”

May pagka-Barbra Streisand si Direk Cathy when she said that she finally found someone. “Sana,” asa niya. “Pero hindi naman natin alam kung siya na talaga, finally. Katulad sa pelikula e, wala namang assurance.”

Single na single daw ‘yung guy at mukhang mas bata kay Direk Cathy, huh! “Last year kami nag-meet! In fact, nine months na kami!”

Say namin sa kanya kaya pala happy siya nu’ng Christmas? “Super! Ha-hahaha!”

Ikakasal ba sila? “Sabi niya,” pa-girl na sagot ni direk. Sabi raw nu’ng guy this year sila pakakasal. Pero teka, okey ba sa kanya na magpakasal ulit? “Okey lang. Siyempre gusto ko rin. Eto bigay niya,” sabay pakita sa amin ng suot niya na golf infinity ring sa kanyang daliri.

Hindi pa raw engagement ring ‘yun. Basta raw may iba silang tawag ng boyfriend niya doon sa singsing na suot niya.

q q q

Nanawagan ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa mga namamahala sa produkto na ini-endorse ng mga artista na huwag silang pagbawalan sa dapat nilang gawin sa pag-atake nila ng kanilang karakter sa pelikula.

Kaya kadalasan nalalagay sa alanganin ang artista at nadadamay pati na ang credibility ng pelikula dahil sa restrictions nila on their endorsers.

Sa pagkakaunawa ni Direk Cathy, kaya kinukuha nilang endorser ang artista ay dahil naniniwala sila sa galing nito at alam nilang sikat. Meron din naman na kapag kinuha nila at napanood sa kanilang commercial ay sumisikat. But either way, mga artista sila, umaarte sa harap ng kamera.

“Ngayon gagawa sila ng pelikula pero bawal gamitin ang ibang produkto na kalaban nila. Naiintindihan ko naman ‘yun kaya nga nagpapalit kami ng pangalan. Gumagawa kami ng fake na pangalan para wala kaming kalabanin. Para hindi existing sa market. Pero bawal pa rin,” sabi ni Direk Cathy.

Inilabas ni Direk Cathy ang kanyang saloobin sa entertainment writers sa presscon ng “My Ex And Whys” showing on Feb. 15, dahil hindi raw niya alam kung saan niya maipararating ang kanyang mensahe sa mga kinauukulan.

“Kinuha ko si Liza hindi ‘yung karakter niya rito. Halimbawa, kinuha ko si Bea Alonzo, hindi si Basha ng ‘One More Chance.’ Kasi hirap na hirap ako lalo na kapag sikat, halos lahat ng produkto meron ‘yan.

May pizza, may cake, may kape, lahat-lahat. Lahat ‘yun bawal ilagay sa pelikula ko? Ano naman ang ilalagay ko na kakainin ng tao?”

Katulad sa “My Ex And Whys” blogger ang role ni Liza pero hindi raw makapasok sa coffee shop sa pelikula dahil may kapeng ini-endorse ang leading lady ni Enrique.

“So, nahihirapan ako na sana maintindihan nila. Wala akong sinasabi, by all means kunin nila ‘yan. In fact, malaking tulong sila sa pelikula. Malaking tulong sila sa industriya. Pero hindi ko mailabas ang kailangan ng karakter kasi limitadung-limitado ako. Gusto mong igsian ang buhok bawal. Gusto mong kulayan kasi kunyari rebelde ang role, bawal. E, saan tayo, ‘di ba?”.

Read more...