HINDI nakayanan ni Alberto Lim Jr. ang dalawang oras at 28 minutong paglalaro sa kanyang unang laban bilang miyembro ng pambansang koponan matapos na magretiro sa ika-19 na minuto ng ikalima at huling set kontra David Susanto ng Indonesia sa unang singles ng Davis Cup Asia-Oceania tie Biyernes sa PCA Courts sa Paco, Maynila.
Napilitang magretiro ang 17-anyos na si Lim habang tabla ang iskor sa 1-1 matapos makuha ang unang dalawang set at makakuha ng isang game sa ikalima bago na lamang tuluyang nag-retiro kontra sa world ranked 700th na si Susanto para sa 6-3, 6-2, 2-6, 1-6, 1-1 retired.
Tumagal ang unang set ng 38 minuto habang 33 ang ikalawang set. Ang ikatlong set ay 28 minuto habang ang ikaapat ay umabot sa 34 minuto.
Sasabak naman ngayon sina Treat Huey at Francis Casey Alcantara para sa krusyal na doubles na gaganapin dakong alas-2 ng hapon kontra sa Indons na binubuo nina Anthony Susanto at Sunu Wahyu Tijati.
Ang reverse singles, na gaganapin bukas, ay magtatakda kay Ruben Gonzales kontra Susanto at Lim laban kay Sasangko bagaman posibleng magpalit ang bawat koponan ng kanilang ilalaban sa huling sandali.