‘SORRY’ ni VICE kay JESSICA SOHO drama lang, mayabang at maangas pa rin

Dapat suspindihin ng ABS-CBN para madala

SA kabila ng paghingi ng sorry ni Vice Ganda kay Jessica Soho dahil sa “pambabastos” nito sa news personality ng GMA 7 ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng maaanghang na komento ng ating mga kababayan laban sa gay TV host-comedian.

Grabe ang mga nababasa naming pagtira kay Vice sa mga social networking sites, ha!

At tama lang na naging maagap si Vice sa kanyang paghingi ng paumanhin dahil tiyak na hindi siya tatantanan ng mga galit na galit na supporters ni Jessica at ng ilang nakisawsaw na mga grupo.  

Kahit saang anggulo mo naman kasi talaga tingnan ang sinasabing pagdusta sa personalidad ng award-winning broadcast-journalist using “the what if situation in a comic act that used rape among other items” sasabihin talaga naming in bad taste ang pagkakagamit niya kay Jessica para matawa ang manonood.


Pero ayon sa ilang nakakausap namin, tila hindi sila naniniwala na sincere ang pagso-sorry ni Vice dahil feeling nila ay may kayabangan pa rin ang pagsasalita nito.

Masakit nga naman kasi ang maikumpara sa isang “baboy”, tawaging mataba at higit sa lahat ay gawing biktima ng gang rape.

The fact that he kept asking Kris Aquino ng, “Okay ka pa asawa ko?” during his performance (as he also used his friend in his act), gave us the impression that he somehow felt that Kris would get offended if not mad sa ginawa niyang comic skit.

Kung naramdaman niya ‘yun para kay Kris na kanyang kaibigan, lalong wala siyang karapatan na gawin ‘yun kay Jessica na hindi naman niya kaibigan at hindi rin niya katrabaho sa network na pinagtatrabahuan niya, bukod pa nga sa non-showbiz naman ang news anchor.

Ayaw na naming punahin kung sincere o bahagi pa rin ng palabas ang ginawang public apology ni Vice.

Basta sususugan na lang namin ang sinabi niyang kung hindi maunawaan ang kanyang pagpapatawa ay ito na lang ang uunawa sa mga taong namimintas at umaalipusta sa kanya.

Nagsalita rin siyang hindi niya maipapangakong hindi na mauulit ang nangyari pero handa pa rin siyang hihingi uli ng dispensa at patawad.

Sa naganap ay nagkaroon ng sari-saring opinyon ang karamihan, may nagsabi pa nga na dapat daw suspendihin ng ABS ang comedian para maturuan ng leksiyon.

Sa pangyayari ay mahalaga ring malaman nating lahat na may pagkukulang din ang mga taong naniniwala sa brand of comedy ni Vice.

Siguro ay inakala nga niya na okay lang ang manlait at manlibak ng kapwa kapag nagtatawanan ang kanyang audience.

Huwag lang din sanang dumating yung pagkakataon na ang mga minamahal na kapamilya ni Vice ang gawin namang mga “subjects and objects” of comedy act ng mga susunod na comedians sa bansang ito.

For sure, hindi ‘yun tatanggapin ni Vice bilang joke at ngingiti siya ng ubod ng pait at puno kasarkastikuhan.

May Showtme pa kaya siya nu’n kapatid na Ervin para muling isapubliko ang nararamdaman niyang disgusto o paghahanap ng meaning sa buhay niya?

Read more...