Enrique kay Liza: Nagulat ako sa sinabi niya, luka-luka talaga yun!

enrique gil at liza soberano

SABAY kaming lumabas sa lobby ng ABS-CBN nina Enrique Gil at tugang direk Cathy Garcia-Molina right after ng masayang presscon ng “My Ex And Whys.”

Biniro namin si Quen tungkol sa “secret lovers” niyang sagot sa tanong kung ano na nga ba ang estado ng lovelife nila ng napakagandang si Liza Soberano.

“Sabi ko nga po, we don’t put labels to it. Kung ano yung nakikita ninyo yun na yun,” ang masaya nitong sagot sabay pasasalamat sa amin.

Naging masaya nga ang tuksuhan at kiligan sa naturang presscon dahil lumabas pang si Liza itong napapahamak sa kanyang pagsagot-sagot sa mga tanong tungkol sa kanila ni Quen.

Bukod kasi sa napaka-transparent ni Liza at pagiging vocal sa emosyon niya para sa aktor, may mga hirit din ito ng sobrang pagiging komportable kapag magkasama sila ng aktor.

“Nagulat din po ako. Luka-luka talaga yun,” nangingiti pang sey ni Quen sa tinuran ng leading lady na “katawang baby” siya kaya’t wala umanong malisyang napi-feel si Liza kahit pa maghubad ito sa harap niya.

May pinag-uusapan kasing “boxed” scene sa movie kung saan half-naked si Quen habang katabi si Liza.

But according to our kumareng tugang direk Cathy, “Hindi pa sila ready sa mga iniisip ninyong eksena. Walang intimate-intimate. Hindi pa bagay sa mga anak ko,” hirit pa ng box-office director.

Masusubukan nga ang tandem ng LizQuen sa Valentine movie offering ng Star Cinema na “My Ex And Whys” and

this early, hinuhulaan na naming ito ang magiging kauna-unahang major box office champion ng showbiz for 2017.

Read more...