Magugustuhan din kaya ni crush? (2)

Sulat mula kay Pauline ng Poblacion, Mariveles, Bataan
Problema:
1. Sa edad ko pong 25 years old na sa ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend kaya iniisip kong baka hindi na ako nito normal na babae. Sa bagay hindi naman po ako nagmamadali at hindi rin naman ako nagkaka-gusto sa kapwa ko babae. Kaya lang siguro ako hindi pa nagkaka-boyfriend ay dahil hindi ako nagugustuhan ng mga lalaking crush ko sa halip iyong mga lalaking may gusto sa akin ay hindi ko naman gusto.
2. Parang nakakanis talaga ang life, kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan po kaya ako magkaka-boyfriend ng isang lalaking gusto ko talaga at mahal nya rin ako. Sana sa taong ito ay magka-boyfriend na ako at wish ko nga pong yong lalaking crush ko ang maging boyfriend ko na isinilang noong December 12, 1991 at April 15, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng Mariveles, Bataan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang unang magiging boyfriend mo pero hindi mo makakatuluyan, pagkatapos ay isang Aquarius naman na hindi mo rin makakatuluyan, sa halip ang ikatlong boyfriend na isang Leo ang sigurado ng magtatagal at makakatuluyan mo.
Numerology:
Ang birthday mong 15 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 12 ang unang magiging boyfriend mo, pagkatapos ang ikalawa ay isinilang sa petsang 7, na kapwa hindi mo makakatuluyan, sapagkat isang lalaking pa ang darating na isinilang sa petsang 27 ang nakatakda mong makatuluyan at makakasama habang buhay.
Luscher Color Test:
Upang magka-boyfriend ka na sa taong ito ng 2017 lagi kang magsuot ng kulay na pink, blue at red na damit. Sa nasabing kulay bubuti at gaganda na ang iyong love life.
Huling payo at paalala:
Pauline ayon sa iyong kapalaran hindi mo dapat kainipan ang pagkakaroon ng boyfriend, bagkus kusang darating ang unang BF mo ngayong taon ding ito ng 2017. Tulad ng naipaliwanag na sa itaas, hindi mo dapat ibigay ang iyong pagkababae sa dawalang lalaking magiging boyfriend mo, dahil hindi pa sila ang makakatuluyan mo, sa halip ang ikatlong lalaking darating pa lamang at hindi mo pa kilala sa ngyaon na may na may initial na J.Y ang siya mo ng makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na magaganap sa taong 2018 sa edad mong 27 pataas.

Read more...