INIWAN na ng isang bagong opisyal ng gobyerno ang kanyang boyfriend dahil sa magiging isyu pa ito sa kanyang bagong tungkulin.
Sikat sa industriyang pinagmulan pero ito ay kanyang iniwan dahil sa suportang ibinibigay para kay pangulong Rodrigo Duterte.
Makulay ang buhay ng ating bida na kilala bilang isa sa may malalim na pananaw sa pamamahala kahit nung siya’y wala pa sa government service.
Pero muntik nang gumuho ang kanyang dating career nang iwan niya ang kanyang misis kapalit nang pagkakaroon ng bagong boyfriend.
Kaliwa’t kanang batikos ang kanyang inabot kahit alam naman ng mga nakakakilala sa kanya ang pagkakaroon niya ng pusong babae.
Ngayon ay ibang persona ang kanyang ipinakikita bilang direktor ng isang kilalang ahensiya ng pamahalaan.
Buo ang kanyang loob sa public service at nakikita ito ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Mula sa marangyang mga sasakyan ngayon ay mga ordinaryong AUV na lamang ang kanyang ginagamit bilang pagsunod sa austerity measure ng pamahalaan.
At para hindi siya maintriga sa kanyang bagong career sa gobyerno ay hiniwalayan na niya ang kanyang boyfriend na ilang taon na rin niyang kasama.
May ilang tao raw kasi ang gustong gamitin ang isyu ng kanyang pagiging bading para sirain ang kanyang reputasyon.
Sinabi ng ating Cricket na hindi niya ito hahayaang makasira sa kanyang mga proyekto kaya nagpasya na lang ang ating bida na isakripisyo muna ang lovelife sa ngalang ng public service.
Hindi ito biro sabi ng ating Cricket dahil seryoso si Sir sa kanyang pinasok na career sa gobyerno na maging halimbawa nang maayos na pamamahala.
Ang personalidad na isinakripisyo ang pag-ibig para sa paglilingkod sa bayan ay si Mr. A…as Aura.