Alden hiyang-hiya nang humarap sa mga OFW sa airport

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

PANALUNG-panalo si Alden Richards sa mga kuwento ng mga kababayan nating nanood sa concert ng mga artista ng GMA 7 sa Amerika. Totoo raw pala ang mga kuwentong nababalitaan nila tungkol sa kabaitan ng Pambansang Bae.

“Wala siyang kaarte-arte, sobrang bait niya,” papuri ng isang kaibigan namin tungkol kay Alden. Nakita nila sa airport ang guwapong singer-actor, nakayuko, parang nahihiya.

E, maitatago pa ba naman sa kahon ang itsura ng sikat na aktor, kaya kahit parang nahihiya pa siya dahil bagong gising pala ay pinagkaguluhan pa rin siya ng mga Pinoy.

“Nag-explain siya, kagigising lang daw niya. Ginagamit niya ang chance na makaidlip kapag bumibiyahe siya. Naku, kahit naman kagigising lang niya, e, napakaguwapo pa rin ni Alden!

“Saka ganu’n pala talaga siya, kapag may nakakausap siyang Pinoy na matagal nang nakatira sa ibang bansa, e, talagang tinatanong niya kung tagasaan?

“Kaming lahat, tinanong niya kung saan sa Pilipinas kami nakatira. Napakabait na bata, walang kaere-ere, lagi siyang approachable,” papuri pa ng aming kausap.

‘Yun ang markang iniiwan ng Pambansang Bae kahit saan siyang bansa magpunta. Kumakalat na parang apoy ang kapuri-puri niyang mga katangian na lalo pang nagpapaangat sa kanyang estado bilang sikat na artista.

The best daw si Alden Richards, nagkakaisa pang sabi ng aming mga impormante, bihirang-bihira lang daw kasi silang makakita ng artistang walang kaere-ere.

Read more...