Sulat mula kay Pauline ng Poblacion, Mariveles, Bataan
Dear Sir Greenfield,
SA edad ko pong 25 ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend kaya iniisip kong baka hindi na ako normal na babae. Sa bagay, hindi naman po ako nagmamadali at hindi rin naman ako nagkaka-gusto sa kapwa ko babae. Kaya lang, siguro ako hindi pa nagkaka-boyfriend ay dahil hindi ako nagugustuhan ng mga lalaking crush ko habang ang mga lalaking may gusto sa akin ay hindi ko naman gusto. Parang nakakanis talaga ang life kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan po kaya ako magkaka-boyfriend ng isang lalaking gusto ko talaga at mahal rin ako. Sana sa taong ito ay magka-boyfriend na ako at wish ko nga pong ang lalaking crush ko ang maging boyfriend ko na isinilang noong December 12, 1991. April 15, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng Mariveles, Bataan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Pakikipagrelasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit umabot ka pa ng edad 25 o 28, hindi ka pa rin dapat na kabahan, dahil isang kembot lang tiyak ang magaganap. Darating at darating din ang saktong panahong magkaka-boyfriend ka at sa piling ng nasabing lalaki, ikaw naman ay magiging maligaya.
Cartomancy:
Three of Hearts, King of Clubs at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Marso o kaya’y Abril, magkaka-boyfriend ka na at ang lalaking nabanggit ay may initial na R.Y. Siya ang unang magiging BF mo pero hindi mo makakatuluyan.
Itutuloy…
Magugustuhan din kaya ni crush?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...