Star Hotshots ginulpi ang Mahindra Floodbusters

MULING sumiklab ang mainit na kamay ni Allein Maliksi para pangunahan ang Star Hotshots sa tambakang panalo kontra Mahindra Floodbusters, 124-87, sa kanilang 2017 PBA Philippine Cup elimination round game Miyerkules sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Maagang uminit ang dating UST wingman matapos tumira ng 7-of-8 mula sa 3-point area para pamunuan ang Hotshots sa itinalang 33 puntos.

Ang panalo ng Star ay ikaapat na sunod nito matapos ang 47-puntos na panalo kontra Meralco Bolts noong Sabado, 120-73. Tinapos ng Hotshots ang kanilang kampanya sa elims na may 7-4 kartada.

Si Paul Lee ay nag-ambag ng 16 puntos habang sina Aldrech Ramos, Jio Jalalon at Justin Melton ay nagdagdag ng tig-11 puntos para sa Star.

Binuhat nina Alex Mallari at Nico Salva ang Mahindra sa ginawang tig-15 puntos habang si Mark Yee ay nagtala ng 15 puntos para sa Floodbusters na nagtapos na may 3-8 kartada.

Sa kabuuan ay tumira ang Star ng 18-of-29 mula sa 3-pointers para sa 62-percent shooting at dinaig sa rebounds ang Mahindra, 61-36.

Read more...