Buwagin ang PNP, palitan ng PC o NBI

BALAK ni Pangulong Digong na buwagin ang Philippine National Police (PNP) at ibalik ang Philippine Constabulary (PC).

Ang PC ay makasaysayan na institusyon na itinatag noong panahon ng mga Amerikano.

Ito ang unang insular police force noong bago pa ang pananakop ng America sa atin.

Disiplinado ang PC dahil ito isang military organization at sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang Army, Navy at Air Force.

Binuwag ang PC noong panahon ni Pangulong Cory Aquino dahil sa kanyang makitid na pag-iisip ay ito ay instrumento ng Pangulong Marcos noong martial law.

Kung bubuwagin naman ang PNP dahil sa kabulukan nito at ipapalit ang PC, baka tumino ang hanay ng pambansang tagapasunod ng ating batas.

Dahil ang PC noon ay may disiplina militar, di gaya ng PNP na pumalit dito, iginagalang ng mga miyembrong mababa ang ranggo sa PC ang mga nakakataas sa kanila.

Sa PNP, dahil ito’y civilian organization, walang disiplina ang mga miyembro nito.

Sa PC noon, kapag nagkasala o nagkamali ang isang miyembro ay puwedeng iutos na ikulong ito pansamantala ng nakakataas na opisyal.

Sa PNP, inaatasan lang na “confined to quarters” ang isang miyembro na may kaso at puwedeng itong lumabas sa istasyon o kampo kung gugustuhin niya.

Sa PC, kapag malaki ang kasalanan ng isang miyembro ay puwedeng itiwalag ito ayon sa desisyon ng mga nakakamatataas.

Hindi ito nangyayari sa PNP dahil sila’y protektado ng civil service rules at kailangan pang dinggin ang kanilang administrative cases na matagal bago sila maparusahan.

Matagal na matagal bago ibinababa ang desisyon sa mga kasong administratibo. Samantala, tuloy ang kanilang serbisyo at suweldo habang may kaso sila.

Isang halimbawa nga ay yung pulis na namatay na lang sa cancer habang ang kanyang kaso sa pagpatay ng isang teenager ay dinidinig ng National Police Commission na nakabinbin dito ng 12 years.

Ang agarang desisyon na tanggalin o suspendihin ang isang pulis na nagkasala ang magpapatino sa hanay ng PNP.

Pero magagawa lang ito kapag napalitan na ang PNP ng PC.

Noong panahon ng tatay ko sa PC, sinusuntok niya at pinakukulong o pinadidismis ang kanyang mga tauhan na nang-api ng sibilyan, kumporme sa gravity ng nagawang pagkakamali.

Hindi na puwedeng mangyari yan ngayon dahil sibilyan na ang PNP at kailangang idaan sa “due process” ang pagdesisyon sa pulis na inirereklamo.

Noong panahon ng PC, puwede nang pumasok ang isang high school graduate pero sa PNP kailangan ay isang college graduate ang isang aplikante dito.

Mahirap nang disiplinahin ang isang nagtapos ng kolehiyo dahil siya’y may mataas nang pinag-aralan at matigas na ang ulo.

Whereas, kung ang isang miyembro ay high school graduate lang ay bata pa ito at madaling masuheto.

Ang palitan ng PC ang PNP kapag binuwag na ito ay isang option lamang.

May iba pang option ang Pangulong Digong gaya ng gawing national law enforcement agency ang National Bureau of Investigation (NBI) at ibalik ang pulis sa mga mayors ng lungsod at bayan.

Ang mga line agents ng NBI ay abogado o certified public accountant.

Puwede pang mag-recruit ang NBI ng mga espeyalista sa iba’t ibang propesyon dahil ng medicine, nursing, engineering, criminology.

Ang NBI ay counterpart ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na mas mataas ang antas sa anumang police department sa America.

Kapag pumasok na ang FBI sa eksena ay tumatabi na muna ang pulis dahil ang mga FBI agents ay eksperto sa crime solution.

Puwedeng maliit lang muna ang bilang ng NBI agents sa buong bansa dahil may mga pulis naman sa iba’t ibang lungsod at bayan.

Kung kailangan nila ng force multiplier dahil marami ang kalaban kapag may hinahabol silang sindikato ay puwede naman nilang gamitin ang Armed Forces sa pamamagitan ng utos ng Pangulo.

Binuwag ang PC, na isang military organization at disiplinado ang mga miembro, noong administrasyon ng benggatibong si Cory Aquino.

Isa ang PC sa kinamumuhian ni Cory dahil sa kanyang makitid na pag-iisip ito ay kinasangkapan ni Ferdinand Marcos na apihin ang kanyang esposo na si Ninoy Aquino.

Hindi ang PC ang umapi kay Ninoy kundi si Marcos.

Read more...