Robi sa break-up nila ni Gretchen: Sorry, hindi ko pa yan masasagot!

gretchen ho at robi domingo
MUKHANG may katotohanan nga ang chika na hiwalay na rin sina Robi Domingo at Gretchen Ho.

Hindi kasi diretsong sinagot ng TV host-actor ang tsismis tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“We are okay,” ang matipid na tugon ni Robi nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda last Tuesday.

“Siguro masasagot ko ‘yan in the coming days, coming weeks, pero as of now, we are okay,” sabi ng binata.

Kahit si Gretchen ay tahimik pa rin about the rumored break-up, ilang followers na niya sa social media ang nangungulit sa kanya tungkol kay Robi pero dedma pa rin siya hanggang ngayon.

Nagsimula ang tsismis tungkol sa paghihiwalay ng dalawa matapos mapansin ng mga netizens na burado na ang mga litrato ni Robi sa Instagram ni Gretchen. Paniwala rin ng fans, ang pag-akyat sa bundok ni Gretchen kamakailan ay isa sa paraan ng dalaga para maka-move on agad.

Read more...