Nanay ni sikat na aktres may cancer kaya nanahimik

BLIND ITEM FEMALE 0316

HULA hoop: Best friend kung ituring ng aming source ang low-profile showbiz mom na ito ng isang sikat na aktres.

Lately, ayon sa aming kausap ay hindi na raw madalas makipag-ugnayan ang ina sa kanya kaya ganu’n na lang ang pangamba nito para sa kaibigan, “May cancer kasi siya. Sana naman, eh, malampasan ‘yon ng best friend ko.”

Ang totoo, adoptive mother lang ito ng aktres na may makulay na buhay-pag-ibig.

Makulay in the sense na for several times, ang nauugnay sa kanyang celebrity-boyfriend ay nakikipagkalas only to find themselves sa piling ng iba.

Read more...