DAHIL sa pambubugbog ng amo, patay ang isang Pinay domestic helper sa Kuwait.
Namatay ang OFW na nakilalang si Amy Santiago sa mismong araw nang pagbitay naman sa isa ring
Ayon sa imbestigasyon, hindi naman umano nagtugma ang dugo na nakita sa murder weapon sa DNA ni Pawa, ngunit nanatili at hindi nabago ang sentensiya laban sa Pinay.
Matapos ang 10 taong pagdinig, nahatulan si Pawa ng bitay.
Samantala, sa kaso naman ni Santiago, kadarating lamang niya sa Kuwait noong 2015.
Matapos ang pambubugbog, mismong ang amo pa nito ang nagdala sa kanya sa ospital. Pero dead on arrival ang Pinay at punum-puno ng pasa at bugbog sa katawan.
Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang employer na lalaki ni Santiago at sumuko naman ang amo niyang babae.
Kasalukuyang nakakulong ang mag-asawa sa Abdulha Mubarak Police Station.
Nangako naman ang Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na hindi nila pababayaan at tututukan nila ang pag-usad ng kaso ni Santiago hanggang makamit ng pamilya nito ang hustisya.
Ngayon ay mas malakas ang panawagan ng mga OFW at pro-OFW group na ituloy na ang deployment ban sa Kuwait.
Ayon kasi sa record mismo ng ating embahada, tumataas at patuloy na dumarami ang bilang ng mga naaabusong domestic helper sa Kuwait.
Para sa Bantay OCW, noon pa sana ipinatupad ang ban sa Kuwait! Dapat noon pa! At hindi na nga dapat pang pag-isipan ito.
Napakarami na nating mga kababayang OFW, lalo pa mga kababaihang domestic helper sa Kuwait, ang bumalik sa Pilipinas na kung hindi bangkay ay bugbog-sarado o bali-bali ang katawan dahil tumalon sila mula sa mataas na palapag ng kanilang gusali upang makatakas sa malupit na amo, ginahasa, payat na payat dahil ginutom at hindi pinapakain at ang iba’y mga buntis pa.
Ibang-iba kasi ang pagtrato ng mga Kuwaiti employer sa kanilang mga kasambahay. Matapos kasi ang gera sa Kuwait noon, itinuring nilang “kaaway” o “kalaban” ang sinumang dayuhan.
Kaya hindi nakapagtatakang ganito katindi ang pagmamalupit nila sa mga OFW na nakakasama nila mismo sa loob ng kanilang mga tahanan. Maging ang ibang lahi, basta dayuhan.
Likas pa naman sa ating mga Pinoy na kapamilya ang turing sa ating mga kasambahay. Wala silang masamang iniisip na hindi naman pala ganoon ang turing ng kanilang mga employer sa kanila kundi isang kaaway.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, audio/video live streaming: www.ustream tv