Sulat mula kay Gerald ng Balangasan District, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na February 7 ay 27 na ako pero hindi man lang nakaranas magkaroon ng seryoso at totohanang girlfriend. Minsan ay nagkaroon na ako ng karelasyon kaya lang fling lang ang nangyari, umabot lang ng two weeks at pagkatapos ay nagka-break na po kami. Sa ngayon po ay may nililigawan ako kaya lang sa halip na pagpakitaan niya ako ng maganda sinusungitan niya po ako. Iniisip kong baka sinusubok lang niya ako. Dapat ko pa bang ituloy ang panliligaw ko sa kanya? Siya na kaya ang unang magiging GF ko? At kung hindi siya, sino po kaya ang babaeng una at huli kong mamahalin? At kailan kaya siya darating? Wish ko nga po sana sa taong ito ng 2017 ay magka-girlfriend na ako
Umaasa,
Gerald ng Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Seven of Hearts, Queen of Hearts, Queen of Clubs ang mga lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ito ay dalawang babae ang mali-link sa iyo o magiging “prospect” mo. Pero bago mangyari iyon ay dapat mo munang itigil ang panliligaw sa kasalukuyan mong nililigawan na pinagsusungitan ka lang. Ito ay indikasyong wala sa iyong gusto ang nasabing babae kaya huwag mo nang lokohin ang sarili mo. Tigilan mo na ang panliligaw sa kanya dahil nag-aaksaya ka lang ng pera at panahon sa nasabing babae. Sa sandaling tumigil ka ng panliligaw sa masungit na babae, ganito ang magaganap.
Palmistry:
Ayon sa kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, kahit na umabot ka pa ng edad 30, hindi ka dapat matakot at kabahan dahil darating at darating din ang isang panahon sa iyong buhay na magkaka-girlfiend ka. Kapag dumating na siya ay habang buhay ka nang magiging maligaya.
Itutuloy….
Valentines na, wala pa ring girlfriend
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...