Mag-iina minasaker sa Negros Oriental; 3 patay, 1 sugatan

NASAWI ang isang 22-anyos na ginang at dalawa niyang anak, habang sugatan ang isa pang supling, nang pagtatagain at pagsasaksakin ng di pa kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Tayasan, Negros Oriental, Huwebes ng gabi.
Agad ikinasawi ng ginang na si Mergie Eslao ang 16 taga at saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi sa Bandera ni Senior Insp. Rick Rivera, hepe ng Tayasan Police.
Ikinasawi ng panganay ni Mergie na si Sid Wilfred, 6, ang mga saksak sa dibdib at balikat, at taga sa kanang bahagi ng likod, habang ang sumunod dito na si Larabelle, 5, ay namatay dahil sa malaking hiwa sa tiyan, ani Rivera.
Nagtamo rin ng saksak sa tiyan ang bunsong si Annabel, 2, ngunit naagapan ito ng mga rumespondeng tanod at ngayo’y nagpapagaling sa isang pagamutan sa Dumaguete City.
Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa bahay ng mga Eslao sa Brgy. Tambulan.

 

Read more...