Nabiktima ng krimen bumaba- SWS

Social Weather Stations

Social Weather Stations

Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na naging biktima ng krimen sa huling tatlong buwan ng 2016, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa survey na isinagawa mula Disyembre 3-6, sinabi ng 3.4 porsyento (2.8 milyong pamilya) na sila ay nabiktima ng property crimes gaya ng snatching, pagnanakaw, at karnaping sa huling anim na buwan.
Mas mababa ito sa 6.4 porsyento (4 milyong pamilya) na naitala noong Setyembre.
Ang mga nagsabi na nabiktima sila ng snatching ay 3.4 porsyento mas mababa sa 4.6 na naitala noong Setyembre.
Ayon naman sa 1.8 porsyento sila ay nabiktima ng pagnanakaw sa bahay mas mababa sa 2.2 porsyento sa naunang survey. Bahagya namang tumaas ang kaso ng karnaping na naitala sa 0.5 porsyento mas mataas sa 0.2 porsyento naunang naitala.
Ang mga nakaranas naman ng physical violence ay nanatili sa 0.7 porsyento.
Sa survey noong Disyembre, pabor ang 63 porsyento sa pahayag na: “Sa lugar na ito, ang mga tao ay karaniwang natatakot na baka may mga magnanakaw na makakapasok sa loob ng kanilang tahanan” mas mataas ng isang porsyento sa mas naunang survey.
Ang 54 porsyento naman ay pabor sa pahayag na: “Sa lugar na ito, ang mga tao ay karaniwang natatakot maglakad sa kalye sa gabi dahil mapanganib” halos hindi gumalaw sa 53 porsyento noong Setyembre.
Nagsabi naman ang 52 porsyento na pabor sila sa pahayag na: “Sa lugar na ito, napakarami na ang mga taong na-aadik sa mga ipinagbabawal na gamot”. Bumaba ito ng apat na porsyento.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondents.

Read more...