Sigaw ng bayan, isalvage ang masasamang pulis

MARAMING natuwa sa utos ni Pangulong Duterte sa chief ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Ronald “Bato” dela Rosa na linisin muna ang hanay ng PNP bago ipagpatuloy ang kam-
panya laban sa droga at kriminalidad.

“Mon, narinig mo ba ang balita sa radyo? Lili-nisin na ang PNP ng mga kidnapper, kawatan, carnapper, drug pusher at mamamatay-tao. Yehey!,” sigaw ng kaibigan kong Tsinoy, na isa ring kidnap victim, sa telepono.

“Kung nanggaling ang order kay Duterte dapat ay matuwa ang buong bansa dahil kung magbigay siya ng order ay totohanan,” ani Arnold Belen, isang janitor at masugid na supporter ni Mano Digong.

Sinabi naman ng isang kaibigan kong Singaporean na may-ari ng call center, “This looks like a positive first step, bro.”

Ang paglinis ng mga masamang damo sa PNP ay hindi magtatagumpay kung hahayaan lang ni Pangulong Digong na gawin ito ng mga administrative bodies—gaya ng PNP Internal Affairs at National Police Commission (Napolcom)—na gawin ang kanilang trabaho dahil maraming masasamang damo sa mga ahensiyang nabanggit.

Ang Napolcom, halimbawa, ay mabilis mag-reinstate ng itinawalag na pulis at mabagal naman sa pagsipa ng mga tiwaling pulis.

Hindi rin maaasahan ang mga korte dahil napakabagal din ang desisyon ng mga ito.

Halimbawa, kinamatayan na lang ng isang lasing na pulis na nakabaril ng teenager sa isang bar sa Pasig City 12 taon na ang nakararaan habang nakabinbin ang kasong murder sa korte na tinulungan ng “Isumbong mo kay Tulfo” na maisampa.

Baka gusto ni Pangulong Digong na magtatag ng isang grupo na kinabibilangan ng mga batang pulis at sundalo, na puno pa ng idealismo, na i-neutralize “with extreme prejudice” ang mga pulis na sangkot sa mga crime syndicates o sila mismo ang mga kriminal.

Kung nagagawa ng pulis ang pumatay o sumalvage ng mga pusakal na kriminal at drug pushers ng walang patawad, bakit hindi nila magawa sa kanilang mga kabaro na mga pusakal na kriminal?

Ang mga pulis na sangkot sa droga at krimen ay masahol pa sa mga ordinaryong kriminal dahil nilabag nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kapayapaan ng bayan.

Kaya’t ang mga pulis na kasama sa kidnapping, murder, pagnanakaw, pagkalat ng droga at rape ay dapat huwag nang tumagal pa sa mundo.

Hayaan na yung mga human rights advocates at mga bansa na tutuligsa sa extrajudicial killing (EJK) ng mga masasamang pulis, tutal naman ay ginagawa na naman ng Duterte administration ang EJK ng mga suspected drug pushers at criminals.

Ang mahalaga ay gusto ng taumbayan ang ginagawang EJK sa mga masasamang-loob.

Vox populi est suprema lex, ika nga sa Latin. The voice of the people is the supreme law.

Sinabi ni Director General Bato na ang mga pulis na nakita sa video na pinalabas sa Senado na nang-raid, nagtanim at nagnakaw sa mga drawers at nambugbog sa mga occupants ng isang opisina ay naalis na sa kanilang puwesto at ngayon ay naglilimlim ng kanilang mga itlog sa Holding Unit sa Camp Crame.

Ang Holding Unit ay tapunan ng mga pulis na may mga kaso.

At dahil hindi kinilala ni Bato ang mga pulis na tarantado, ito ang kanilang mga pangalan:

Sr. Insp. Jansky Andrew Jaafar, SPO2 Noel de Guzman, SPO2 Nelson Zenarosa, PO3 Allan Poe Aragon, PO3 Victorino Oreiro, PO3 Jason Taguba, PO3 Richard Guillermo, PO2 Alexander Pancho at PO1 Jayarr Macaraeg.

Ang mga pulis na nabanggit ay dating miyembro ng Special Operations Task Group (SOTG) ng National Capital Region Police Office regional intelligence division.

Dapat ay sampolin ang mga ito kasama na sina Supt. Rafael Dumlao at SPO3 Ricky Sta. Isabel, na kumidnap at pumatay ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng Camp Crame.

Kapag sinalvage ang mga pulis na ito ay matutuwa ang sambayanang Pilipinas.

Let’s face it, ang sigaw ng mamamayan ay isalvage ang mga masasamang pulis.

Read more...