Gustong mag-abroad ni misis (2)

Sulat mula kay Gerry ng Visares, Capoocan, Leyte
Problema:
1. Ayaw ko sanang payagan ang misis ko na mag-abroad ang problema naging mapilit pa rin siya sa kanyang gusto kaya sa ngayon ay nasa Maynila siya ay nag-aaplay bilang D.H. sa abroad. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba siyang makapag-abroad at kapag nasa ibang bansa na siya hindi kaya siya mapahamak at magkaroon kaya siya duon ng magandang trabaho?
2. Ayaw ko nga po siyang payagan, pero inuulit-ulit nya sa akin na iyon lang daw ang paraan upang makahon kami sa kahirapan. Ang isa ko pang problema ay kung paano ko makakayang alagaan ang tatlo naming mga anak na sa ngayon ay maliit pa. September 10, 1984 ang birthday ng misis ko at May 14, 1983 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Gerry ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo ay nagsasabing compatible kayong dalawa, at kahit na hindi mo payagan si misis na mag-abroad, hindi ka nya susundin, dahil ang mga Virgo ay may sariling diskarte sa buhay. Ganon paman, dahil ang Virgo ay “earth type sign” at may ruling planet na Mercury, sa pangingibang bansa, walang alinlangang aasenso at uunlad siya.
Numerology:
Habang ang birth date na 10 ng misis mo at 14 ka naman ang nagsasabing kapag nasa abroad na ang misis mo at ikaw naman ay nandito sa ating bansa at yong perang ipapadala nya ay matutunan mong ipunin at i-negosyo, mas mabilis na uunlad at yayaman ang inyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang suwertehin lalo ang iyong asawa sa ibang bansa pagamitin mo siyang lagi ng kulay na berde, gray, puti at alahas na silver. Ang nasabing mga kulay at talisman ang magliligtas sa kanya sa kapahamakan.
Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong kapalaran Gerry sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo, makapag-aabroad si misis at habang wala si misis, wag na wag kang mambabae, dahil ang nakatakda sa inyong kapalaran ay uunlad sa materyal na bagay hanggang sa yumaman, sa pamamagitan ng pag-aabroad ni misis at pagnenegosyo mo naman ng tindahan o grocey. Sa ganyang diskarte tulad ng nasabi na, mabilis na uunlad ang inyong kabuhayan upang pasagsapit ng taong 2024 sa edad mong 41 at 40 naman si misis ay mararamdaman nyo na ngang talaga ang unti-unting pag unlad ng kabuhayan hanggang sa tuluyan na ngang yumaman.

Read more...