Aljur matapang na hinarap si Robin; walang naganap na bantaan at sumbatan

robin padilla at aljur abrenica

HOW true kaya ang tsika na nitong weekend ay naganap na rin finally ang paghaharap ni Aljur Abrenica at ng future father in law niyang si Robin Padilla?

Ayon sa ating source, isang afternoon siesta ang inihanda ni Kylie para sa pagtatagpo ng dalawang lalaking mahal na mahal niya and though wala namang mga eksenang gaya ng iniisip natin na sigawan at sumbatan, masaya raw ang future Mrs. Aljur Abrenica dahil open na ang communication lines ng kanyang fiance at ama.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang ating source, pero aniya it was a “very cordial” encounter between the two gentleman.

Well, kung totoo man ang balitang ito, e di, bongga! Talaga namang walang dapat puntahan ang lahat ng ito kundi sa pag-uusap at pagkakasundo.

 

Read more...