Kim, Gerald nagbatian sa b-day party; Bea dedma lang?

kim chiu and gerald anderson

NAGBATIAN ang ex-lovers na sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa birthday party ng Star Cinema big boss na si Ms. Ma-lou Santos sa Novotel Araneta Center, Cubao noong Biyernes.

Kasama raw ni Gerald sa event ang rumored girlfriend na si Bea Alonzo, pero may kausap daw ang A Love To Last actress nang dumating si Kim kaya hindi sure ang aming source kung nagbatian sina Kim at Bea.

Wala namang gusot ang dalawang aktres kaya wala ring dahilan para gawan sila ng isyu at aware rin naman si Bea na balik-tamba-lan sina Gerald at Kim teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin handog ng Dreamscape Entertainment na ipalalabas ngayong taon.

Dagdag pa ng aming kausap, “Umupo na rin naman si ‘Ge sa tabi ni Bea pagkatapos nilang magbatian ni Kim.” Hindi rin nabanggit ng nagkuwento sa amin kung magkasama sina Kim at Xian Lim sa nasabing party.

Samantala, star-studded ang ginanap na 60th birthday party ni Ms. Malou, sabi nga ng mga staff ng Novotel, “Grabe, ang dami-daming artista, nga-yon lang ako nakakita ng maraming artista ng ABS-CBN).”

Happy birthday po Ms. Malou Santos mula sa BANDERA!

Read more...